Huwebes, Agosto 15, 2013

Wika Natin Ang Daang Matuwid

https://www.facebook.com/njmabilanganllanita
Gusto ba ninyong gumawa na natatanging tula tungkol sa ating pambansang wika: ang Wikang Filipino? Gagawa ako ng isang halimbawa ng tula na nauukol sa wika na nagbibigay-diin sa temang "Wika Natin ang Daang Matuwid". Magsisilbi itong gabay sa inyo upang pukawin ang inyong galing sa paggawa ng inyong mga sariling tula. 

Wika Natin ang Daang Matuwid
(tula ni Khen)

Pilipino saan ka man sa mundo
Anuman ang inyong etniko
Nakatira ka man sa alinmang pulo
Pinagkakaisa tayo ng wikang Filipino

Sa ating bansa pinamumunuan tayo ng ating butihing pangulo
Upang sa mga desisyon natin ay magkaisa tayo
Sa pagpapaunlad at pagpapatakbo sa bansang ito
Kaya layunin ng pangulo ating isapuso

Ayon sa pangulo, "wika natin ang daang matuwid"
Ito ang magiging sandata upang labanan ang mga taong ganid
Sa lipunan at sa pamahalaan ito'y magsisilbing tabak
Upang supilin ang mga taong may masamang hangad

Makipot man daan patungo sa katwiran
Mahirap man sa karamihan na sundin ang kabutihan
Kung gawin nating wika ang daang matuwid
Pagkakaisa, pag-unlad at kaligayahan naman ang siyang hatid

--- wakas ---

Oh! Ano? Nabuksan na ba ang pintuan ng inyong imahinasyon upang gumawa ng tula? Maaari rin kayong gumawa ng inyo-inyung sariling tula. I-popost namin ang inyong tula dito at idadagdag sa tulang nakasulat sa itaas. Isusulat din namin ang inyong pangalan bilang may-akda o manunula ng tula.

https://www.facebook.com/njmabilanganllanita